Friday, February 27, 2009

Encounter...

maikli lang itong post promise...

Feb 27, 2009
late na akong nakaalis ng bahay dahil na rin sa late akong nagising
around 7 am na akong nagising
nagabang na ako ng FX para mabilis pero sadyang malas ata ako
panay puno ung napapadaan kaya mga 8 am eh nagpasya na akong sumakay ng jeep nang makita ko sa likod ko na may maluwag na FX
nung nasa jeep eh dun pa ako sa panget na upuan napaupo at di kinalaunan eh lumipat ako sa kabilang banko

May dahilan pala...

8:20 na nang makarating ako ng riverbanks
sabi ko baka may makita akong iba dito
at naktia ko nga SIYA na tumatakbo at pinapara ung jeep na sinasakyan ko
ewan ko pero todong kaba naramdaman ko
nagmamadali na siya at umaandar na rin ung jeep kaya umusog na ako at ayun tiyempo...

Nakatabi ko SIYA...

ako na rin ang nagabot ng bayad niya
ewan pero parang ang saya ko nun
sa loob ko kahit late na ako sa first class ko eh ok lang
nagkasabay na rin kami sa jeep papuntang UP
umupo na ako sa harap niya para naman hindi nakakailang
alam ko na mauna siyang bababa sa akin dahil sa pagkakaalam ko eh Math 128 ang kanyang first class
alam ko na bababa siya sa may intersection ng c. p. garcia at katipunan

Pero mali na naman ako...

ewan ko ba pero nakasabay ko siya sa jeep hanggang sa bumaba ako
sumusulyap - sulyap ako kasi nga nabibighani ako pero minsan lamang dahil ayaw ko naman siyang mailang
pero sa tuwing susulyap ako eh para naman atang gago na nagkakatinginan kami kahit saglit
gusto ko magsalita
gusto ko siya kausapin
pero

Pinalipas ko na lang

pero narealize ko na applicable ung nasa "Slumdog Millionaire" na ending na sentence...

D. It is written

No comments: