Friday, February 27, 2009

Encounter...

maikli lang itong post promise...

Feb 27, 2009
late na akong nakaalis ng bahay dahil na rin sa late akong nagising
around 7 am na akong nagising
nagabang na ako ng FX para mabilis pero sadyang malas ata ako
panay puno ung napapadaan kaya mga 8 am eh nagpasya na akong sumakay ng jeep nang makita ko sa likod ko na may maluwag na FX
nung nasa jeep eh dun pa ako sa panget na upuan napaupo at di kinalaunan eh lumipat ako sa kabilang banko

May dahilan pala...

8:20 na nang makarating ako ng riverbanks
sabi ko baka may makita akong iba dito
at naktia ko nga SIYA na tumatakbo at pinapara ung jeep na sinasakyan ko
ewan ko pero todong kaba naramdaman ko
nagmamadali na siya at umaandar na rin ung jeep kaya umusog na ako at ayun tiyempo...

Nakatabi ko SIYA...

ako na rin ang nagabot ng bayad niya
ewan pero parang ang saya ko nun
sa loob ko kahit late na ako sa first class ko eh ok lang
nagkasabay na rin kami sa jeep papuntang UP
umupo na ako sa harap niya para naman hindi nakakailang
alam ko na mauna siyang bababa sa akin dahil sa pagkakaalam ko eh Math 128 ang kanyang first class
alam ko na bababa siya sa may intersection ng c. p. garcia at katipunan

Pero mali na naman ako...

ewan ko ba pero nakasabay ko siya sa jeep hanggang sa bumaba ako
sumusulyap - sulyap ako kasi nga nabibighani ako pero minsan lamang dahil ayaw ko naman siyang mailang
pero sa tuwing susulyap ako eh para naman atang gago na nagkakatinginan kami kahit saglit
gusto ko magsalita
gusto ko siya kausapin
pero

Pinalipas ko na lang

pero narealize ko na applicable ung nasa "Slumdog Millionaire" na ending na sentence...

D. It is written

Wednesday, February 18, 2009

Kras Serbei(galing sa multiply ko may nagrequest kasi)

(note: 3 babanggitin ko ditong crush para malupit haha)
1.) Sinong mas matangkad sa inyo ng crush mo?
a. Ako
b. Ako !
c. Ako ata

2.) Ano ang kulay niya?
a. between puti and tan pero mas malapit sa maputi
b. maputi
c. maputi

3.) Sino mas matanda sa inyo?
a. Siya ata kasi 05 siya eh(oh ha pamatay na clue)
b. Ako ! one month ata ay lul
c. Ewan kasi wala akong ideya sa kung kailan ang bday niya

4.) Kailan mo siya last na nakita?
a. last thursday ? lagi ko siyang nakikita tuwing tues at thurs kasi may class siya that time at late naman ang prof ko lagi kaya natitimingan ko siya
b. Ewan? tagal na ata
c. noong friday

5.) Kailan mo siya last nakausap?
a. Sa sobrang lupit eh ung paguusap namin eh group chat pa un haha tpong sharing of rants lang haha
b. Ewan din haha
c. noong friday din ata

6.) Close kayo?
a. Hindi
b. Close enough to be friends
c. Close enough to be friends

7.) Ano klase buhok niya?
a. straight yata kaso may pagkakulot
b. ewan... sa pagkakaalam ko paiba iba pero mas maganda siya pag curly type :) (ayos sa clue no ?)
c. Hmm.. layered ba tawag dun? churi naman di ako magaling sa pagdescribe

8.) Magaling sumayaw?
a. pake ko? lol
b. ata? alam ko sumasayaw ata siya ewan
c. Ewan

9.) Magaling kumanta?
a. naman ! anung klaseng tanong to ?
b. ata? (sundan ko sana ng anu eh kaso mahahalata eh haha)
c. Ewan

10.) Saan siya magaling?
a. ewan... sa math? (ang tindi ko magbigay ng clue panis)
b. sa lahat! (clue ulit)
c. sa math ulit lolz

11.) Alam ba niya na crush mo siya?
a. malay ko at pakelam ko crush lang yan eh haha
b. same as above
c. Malay ko

12.) Kilala ka ba niya?
a. ata? haha
b. Oo :)
c. Oo

13.) Alam niya name mo?
a. baka ? haha
b. Oo :)
c. Oo

14.) Nakatext mo na?
a. anak ng tinapa ni hindi ko nga malapitan mahingi ko pa ung number ?
b. Hindi kasi hindi ko alam number niya
c. Hindi... (kasi naman hindi rin ako nagloload haha)

15.) May karibal ka?
a. Ata. maganda naman siya eh haha
b. Marami haha
c. Soooobrang dami

16.) Gaano katagal mo na siya crush?
a. since first sem 07-08 oh ha loyal panis
b. ahh ewan?
c. first sem 07-08

17.) Saan mo siya unang nakita?
a. MB :D sa may table malapit sa seesaw sa 2nd floor enrollment time un tapos nakapila kami para sa pre - advising
b. OLOPSC (giveaway clue lol)
c. MB(actually ung isa dapat ung ilalagay ko dito para maiba naman pero siya na lang para astig)

18.) Paano kayo nagkakilala?
a. ewan ko kung kilala na niya ako lol
b. ung sa klase ung pinapatayo tapos sasabihin ung name kung saang section galing tapos ung iba pang stuffs tungkol sa pagkatao mo haha
c. Anu eh.... ayoko sabiihin kasi giveaway na pag sinabi ko :)

19.) Sasabihin mo ba sa kanya someday?
a. Wag na kras lang naman eh
b. Wag na kras lang naman eh
c. Wag na kras lang naman eh(excuse ko lang yan pero wala kasi akong nakikitang dahilan para sabihin)

20.) Anong name niya?
a. clue na lang... "Jump" oh ha haha
b. clue ulit... "Royalty" pamigay na yan ha
c. clue na lang ulit... "Fangs" sige sasakit ulo mo niyan

21.) Narinig mo na ba boses niya?
a. Eh? tinatanong ba yan? Ahh... oo nga naman malay mo pipi o kaya naman eh bingi ung sumasagot ito naman oh(btw sagot ko eh OO)
b. Oo naman
c. Oo

22.) Kilala ba siya ng mga friends mo?
a. Of course !
b. oo
c. Oo

23.) Eh kilala mo ba mga friends niya?
a. OO! By face nga lang haha pero ung iba friends ko rin
b. oo ung ilan sa kanila
c. Oo pero ung ilan lang

24.) Paano kung nabalitaan niyang crush mo siya?
a. Hell I care... kras lang yan
b. So? kras lang yan
c. Pupusta ako tatawa un haha

25.) Eh paano kung crush ka din pala niya?
a. Eh di cool... subukan ko baka may chance :)
b. Cool ! She's too desperate if that is the case haha
c. Sabihin nating "oo" (alam kong malabo) eh di.... COOL! Desperate siya kung ganoon haha

26.) Ano sa tingin mo mangyayari sa inyo pag nalaman niya?
a. Wala ganun pa rin
b. Wala
c. Tatawa siya haha

27.) May idea na ba siya?
a. Ewan ko dun pakielam ko ba haha
b. Ewan
c. Aba ewan ko

28.) Last na 'to, message mo sa kanya?
a. Hi ! (wala ako maisip eh)
b. Hello !
c. How are you? (ayan oh ha complete na pambati haha)

29.) Pahabol lang kunwari tinanong niya kung sino crush mo, anong isasagot mo?
a. "Want a list?" sabay ngiti at kukuha ng yellow paper
b. "Want a list?" sabay ngiti at kukuha ng yellow paper
c. "Want a list?" sabay ngiti at kukuha ng yellow paper

yan lang siya