Friday, September 19, 2008

It is the end of "THAT" journey...

may deal ako sa sarili ko...

"Battle Win" - tuloy ang plano go go go kahit wala na halos pag - asa pang natitira
"Battle Failure" - plan b mode tutuloy pero alanganin na acads over "Lipschitz" mode ito
"Battle Lose" - tama na katangahan ko buburahin lahat ng blog psot ko na may kinalaman doon kumbaga move on

ramdam ko naman na "failure" or "lose" lang yan pero bago pa man dumating doon officially na tinitigil ko na
ayaw ko na kasi
masyado na akong apektado
masyado na akong nag iba
evidences ba kamo?
ito sila...

1. Nagiging clumsy na ako. Oo, clumsy na ako noon pa pero lalo na ngayon. Kani - kanina lang eh nabasag ko ung bote ng Sparkle nang hindi ko sinasadya. Ewan ko ba kasi parang nalalag na lang siya bigla at nabasag. Hindi madalas mangyare sa akin iyon kasi madalas naman ako makahawak ng bote ng softdrinks dahil madalas ako sa tindahan namin. Pero ewan ko at bakit ko nga ba nahulog iyon.
2. Nawawalan na ako ng gana kumain. Madalas marami akong kumain. Mabilis din akong kumain para nga makapagchit chat ng maaga pero ngayon bumagal na nga ako eh minsan parang ayaw ko pang kumain. Nung una kala ko stress lang ito kasi bigatin na mga major ko pero dati naman kapag stressed ako dahil sa mga majors ko eh di naman umaabot sa puntong na nawawalan na ako ng ganang kumain.
3. Nawawalan na rin ako ng focus sa pag - aaral. Lately, mas lalo na akong natulala imbis na makinig sa prof. Ung Art Stud 2 nga tinatamad ko nang pasukan hindi dahil alam ko na exempted na ako sa finals kundi dahil tinatamad na ako. Ewan. Sa PE ko nga rin eh di na rin ako makapagfocus ng ayos. Minsan nawawalan na ako sa tempo o kaya nakakalimutan ko ung steps nung sayaw. Inaalala ko lang eh baka di ko marating mga goals ko sa mga majors ko.
4. Nagiging mas antukin na rin ako ngayon. Madalas late na bago ako tablan ng antok kahit na saksakan ng dami ang problema ko pero ngayon 8 pm pa lang gusto ko nang matulog. Nagtaka na nga rin ate ko one time nung minsan natulog ako ng sobrang aga, around 8pm ata un. Sinabi ko na lang na may exam kasi ako kinabukasan pero sa totoo lang haggard na haggard na ako nun dahil sa iba't iban stress na nararanasan ko.

kaya ayan nagdecide na ako
let go na ako sa isa sa mga sanhi ng stress ko which is ung pag - asa ko dun sa pagkakataong iyon

iniisip ko na lang ngayon na pumasa sa 122 at 110.1 at mauno naman ang 123.1
iniisip ko na lang ngayon kung paano ifafarm ung utang ko ingame sa guild leader namin
iniisip ko na lang ngayon kung anu - anong subjects ang kukunin ko para sa next sem

ayan
at least di ko na kargada ung emotional stress
mas maganda na ito kesa naman parusahan ko sarili ko sa isang napakawalang - kwentang bagay

ika nga nila
"You lose some, you gain some"

darating din siguro ung panahon na pwede na ako sa mga bagay na ganoon
sa ngayon eh acads muna
ayaw ko na sayangin ung mga pagkakataon na binibigay sa akin na may kinalaman sa acads

kaya...

buburahin ko na lahat nang nasa blog na ito(kung di man mabura eh heavy editing gagawin ko)
buburahin ko na rin sa comp ang ano pa mang magpapaalala sa akin noon
siguro ilalagay ko na rin sa cd tapos itatago ko kung saan hindi ko ito madalas makikita
mabuti na iyon para nga naman makarelieve naman sa stress na ito

at least ngayon maghahanap na uli ako ng bagong daan
bagong paglalakbay
bagong pagkakaabalahan

kaya...

PAALAM !

PS: dun sa mga gustong malaman ung mga blog posts na iyon eh i pm niyo na lang ako at willing ko naman ishare iyon sa kundisyon na hindi niyo ito ipagkakalat. salamat.

"Give your stress wings and let it fly away." ~Carin Hartness

No comments: