Thursday, September 25, 2008

Ayoko na sa Choco Mucho dahil..

tang ina
putang ina talaga
as in to the next level na...
PUUUUUUTAAAAAAAAAAAAANG IIIIIIIIIIIIIIINAAAAA

bakit kanyo ?
ito ung kuwento

2:30pm pa lang nakatambay na ako sa math building
5:30pm kasi ung finals namin sa math 110.1 at gusto ko lang talaga tumamabay dun at mag - aral
patingin - tingin ako sa may ent ng mb as if may hinihintay
LOL
oo siya nga pero wala naman kasi akong magawa noon
nagrereview nga ako di naman ako makaconcentrate dahil may sinat ako noon
ubo doon ubo dito
nilalamig na rin ako nun at maya't maya eh napapaidlip ako
mga 3:45 siguro nang maisipan kong magkape nang ma ymapansin akong isang babae na pumunta sa mb canteen
pamilyar yung mukha
medyo nakita ko kasi nang medyo nag side view
may kasamang isang lalake at isang babae
inakbayan pa nga yung lalake
nang biglang naisip ko
kamukha ni "Lipschitz"...
tinanong ko sa sarili ko baka namalik - mata lang ako tutal may sakit ako noon
well, inde pala
so pumunta ako ng canteen na naglilinis na ung crew
ug babaeng napansin ko nasa kabilang cashier malapit dun sa bilihan ng load
ako imbes na magkape eh naisipang kumain ng choco mucho
nagbabayad na ako nun pero sa kabila daw ako magbayad
eh pakiramdam ko talaga na si "Lipscitz" yun kaya di muna ako pumunta dun sa kabila
pero pumunta na rin ako para makabayad at makapagreview na ulit
wala na siya dun
may tinapon ata sa basurahan
nung nakuha ko na ung sukli at akmang akma na palabas na ako eh nakaharap siya sa akin
ako?
umiwas ng tingin at pakunwaring binunot ung cp ko
pero wala talaga at natignan ko ulit siya...
siya nga
si "Lipschitz" nga
napansin niya ba ako?
malamang harap - harapan un kaya malabo na hindi niya ako napansin
nakilala niya ba ako?
ayun
dun ako nadale kasi mukhang hindi
ni isang bato ng "Hi!" eh wala akong narinig
ako?
nakilala ko pero sinumpong ng hiya at di nakapag - "Hi!"
siguro inassume ko na din na tutal mukahng hindi niya ako nakilala eh karerin ko na rin ung pagdedma
paglabas ko eh umupo na ako dun sa puwesto ko at kinain na parang galit na galit ung choco muchong binili ko
tumingin pa nga ako dun sa may hallway baka lumingon siya sa likod at marealize niya na
"Aba! Si kuya yun ahh. Ung allergic sa alcohol. Ung nakasama namin sa field trip."
eh hindi na siya lumingon so malamang na hindi nga niya ako nakilala
PUNYETA !
nawala na ako nun sa mood mag - aral
nakapagaral na rin naman ako nun
pero nayayamot pa rin ako
tipong gusto ko nung oras na un na mambugbog nang kung sino man
pero wala naman ako mabugbog
kaya inabot ko na lang ung ceiling nung 1st floor para maibsan ung frustration ko
nung mageexam na eh parang nagfaflash back pa rin ung mga pangyayare
naisip ko tuloy bigla
"Eh kung naakay ko siya nung lasing siya matatandaan niya kaya ako?"
"Kung nagpapicture kaming dalawa nung kami pa lang ung mga tao sa bus maalala niya kaya ako?"
"Kung inalok ko sa kanya yung puwesto ko sa kama maalala niya kaya ako?"
DEPUTA !
buti na lang malakas ung powers nung finals namin at nadivert talaga attention ko sa exam
tila nakalimutan ko na may ginawa na naman akong katangahan
pero nung inaayos ko na yung mga sagot eh bigla ba namang umentra ung katangahan ko haha !

ang hirap isipin na ganun pala talaga eh no?
na may mga bagay na hanggang field trip lang talaga
na pagkatapos nun eh parang hindi na kayo magkakakilala
ang tanga ko para isipan na pwedeng magtagal sa isip ng isang tao ung mga ganoong pangayayari
masyado ko kasi inaassume na pareho kami magisip
na parehas kami na kahit gaano kainisignificant ung pangyayare eh maalala ko pa rin

ANG BOBO KO TALAGA EH NO?

hahahahaha

No comments: