Thursday, March 19, 2009

Tired Tired Tired

ito ay mga pangyayare ngayong araw na ito...

12am
Natapos ko ang aming magiting na MS1 project at kumain na ako ng dinner :D
matapos kumain ay nagsagot ako g ibang problems para sa boardworks sa Math 162 nagsagot ng takdang aralin sa Math 110.2 at naglaro ng FF Tactics Advance sa emulator
at ako ay natulog ng 5:30 am XD

7am
Nagising ako para maligo at pumasok sa eskuwela

11:30am
Natapos ang aming klase at hinhintay ko na lang ang text mula sa aking groupmate upang makabili na kami ng papel para sa project sa MS1 at makapagpaprint na nalaman ko na lang around 1pm na nakauwi na pala siya
Bullshit

2:10 pm
Nakita ko siya
Pinaplano ko noon na magsit-in sa Math 140 class nila para lang makigulo
Pero mukhang hindi posible pagkat marami pa akong aasikasuhin para sa aming proyekto

2:40pm
Umalis kami ni Leo upang ayusin na ang aming proyekto
Nagpunta kami sa SC ngunit wala kaming makitang matinog papel kaya nagpasya kaming pumunta ng National Bookstore(Techno Hub)
Napagod kami dahil nilakad lang namin mula sa Techno Hub pabalik ng SC
Ang sinasabi ko na lang sa sarili ko
"Maya maya pawi naman lahat ng pagod ko"

4:00pm
Pinapaprint na namin ang aming proyekto at pinabookbind na rin namin

5:00pm
Nagdecide ako na bumalik ng MB para... wala lang trip ko lang
Maya-maya lumabas na sila sa kanilang klasrum
Ako? Natuwa.
Ang akala ko kasi di ko na siya makikita dahil baka mag sit-in siya dun sa earlier class na hindi na pala natuloy dahil sa nagkaroon sila ng recitation
Kung nagkataon pala ay hindi rin ako makaksit-in
Nagdecide din ako na sumakay ng Katipunan jeepney
Sabi ko na lang sa sarili ko...
"Pampawi lang ng pagod. Para din naman ito mamaya para may paghugutan ako ng lakas para sa isang matinding puyatan"
Maya't maya eh tumitingin ako sa kanya
Pero narealize ko...

"Hanggang tingin na lang ba?"

Kaya siguro eh ititigil ko muna ito
Malay mo eh pagtagpuin ulit kami sa isang klase
Kapag nangyare iyon...

Titigan sessions na naman...
Pero...
Kailan kaya ako kikilos?

Malay ko XD

No comments: