Wednesday, November 19, 2008

The Simplest Celebration Ever

Un nga nasa title na nga mismo di ba?
Haha
Pero di talaga simple
Mas marapat tawagin na 371( |=211_ (go decipher it :) )
Hahaha!
Pero di bale ikuwento ko na rin mga 315|=07,7u|\|35 este happenings :)

--------------------
Timeline Section
--------------------
(Ang mga susunod na pangyayare ay base lamang sa pagkakatanda ko. In short, pwedeng may mali XD)

12:00am
Gumagawa ako ng blog post regardig sa "Project: Torpedo"
Actually sinimulan ko yun mga 11:30pm yata pero natapos ko nang mga 12:10am kasi ang daming diversions eh lol
Siguro mga 1am na ako nakatulog kasi gumana na naman ung adrenaline rush trip ko lol

6:00am
Maaga akong nagising marahil alam kong bday ko nga at ung adrenaline rush trip na din
Actually binati na rin ako ng mga gising na kapamilya ko nung mga oras na iyon
Tinignan ko na rin cellphone ko baka may nagtext at meron nga... si Meyi :) (oh special mention ka!) (Actually pinakaunang bumati sa akin si Edsel eh haha the day before pa lang bumati na :D )
Balak ko rin kasing magsimba nung umagang iyon
Oh ha nagbabagong buhay na ako haha >:)

6:30am
Nakarating ako sa Concepcion Church para magsimba at saktong sakto eh maguumpisa na ang misa
Tinapos ko na din ung misa para kumpleto ang blessings lol
Humiling din ako sa Diyos noon na sana walang surprises sa araw na iyon na sapat na ung may bumati sa akin
Mga 7:15am natapos ung misa at umalis na din ako para pumasok sa eskwela

8:00am
Nakarating ako sa Stat class ko...
Oo alam ko na maaga nga akong nakarating
Hindi ko naman kasi inaasahan na makakasakay ako kaagad ng jeep eh lolz
Kaya ayun nagbasa ng onti para pag natawag eh may masabi

8:30am
Nagsimula ang Stat 101 class ko
Nothing special kasi wala namang nakakaalam doon na kaarawan ko nung araw na iyon
Although katabi ko na naman ung babaeng mahilig magsuot ng "fake-fake" shorts
Bad trip nga eh kasing sa tuwing tumitingin ako dun sa binabasa ko eh nadudungawan ko rin ung upper ng kanyang drumsticks
Naaaalibadbaran tuloy ako tuwing magbabasa ako lol
Mga 9:55am ata natapos ung klase at iyon nagmamadali akong umalis kasi inaasahan ko na may quiz kami sa MS1 at malayo pa yung liliparin ko
Sumakay na ako ng toki in the hopes na makita si... este hindi ako malate
Kaso wrong move >_<

10:05am
Nagmamadali ako papunta sa MSI para sa next class ko kaso nakasalubong ko si Leo na wala daw klase
Ayun nabwisit ako kasi parang nasayang ung effort ko sa pagtakbo papuntang MSI para lang malaman na walang pasok
Binati na rin ako ni Leo nung instance na yun >:)

10:10am
Pumunta na akong MB para dun na lang magmuni-muni
Siyempre nandoon ang ilan sa mga blockmates ko na sina Mijy, Olga, at Eka na binati naman ako ng "Happy Birthday" at nagsabi naman ako ng "Salamat"(ewan ko kung narinig nila kasi alam ko hininaan ko ung boses ko nun lol)
Pagkatapos nun eh kumain na ko ng aking breakfast dahil ako'y gutom na gutom na

10:20am
Lumabas na rin ako ng MB Cafiteria(ang sosy pero sa tingin ko dapat canteen eh haha) at naki join in na kina Eka sa labas
Time kill mode ito eh haha XD

11:00am
Sa oras na ito sa hindi malamang dahilan(lol may dahilan ang dahilan aactually eh umaasa pa ako basta basta) eh hindi ako mapakali
Para bang may hinihintay akong dumaan dun sa stairs malapit sa may labasan ng Math Building
Oo
Siya nga mga peker!
Humihiling pa nga ako noon na kahit glimpse lang niya eh solve solve na ako
Pero sa dami nang taong dumadaan dun eh naisip ko na hindi ko na nga siya makikita

11:30am
Nakasalubong ko sina Amantetot at niyaya ko na sila na pumunta sa bahay para sa isang munting kainan
Kumain na rin ako ng lunch kasi gutom na muli ako
pagkatpos kumain eh time kill mode na naman! haha

1:00pm
Nagsimula na ang math 123.2 clss ko at... ayun natapos din nang hindi ko namamalayan lol

2:30pm
Nagsimula na ang math 140 clss ko at... ayun natapos din nang hindi ko namamalayan lol(copy paste haha)

4:00pm
Lumabas na ako ng classroom at nakita si Kennet(tama ba spelling? lol) pati na rin si Barney
Siyempre binati ako ni Kennet at nagpasalamat din ako
Sumama na rin ako pababa sa kanila para kumbinsihin sila na pumunta sa bahay(btw andun si Pilay este Rye na binati ako at muli ang gasgas kong linya na "Salamat")
Peo in the end eh bigo ako sa pangungumbinsi dahil sa mga rason na org matters(magaapply kasi sila ng ano basta un), GF matters(ehem) at takot sa dilim?(peace Mac ^_^V haha)
After some while eh umuwi na rin ako dahil gutom na ako at gusto kong malaman kung magkano ung suweldo ko :)

5:15pm to infinity and beyond! lol
Nakauwi na ako sa bahay at binuksan ang computer, nagbihis, kumain ng spaghetti, naglaro, nagpost ng blog and all haha
Nag-ol din ako sa ym at siyempre may mga bumati at pati na rin sa friendster at dito mismo :)
Nagtext na rin sina Edsel at Amantetot na hindi na rin sila makakapunta

Note: Sorry sa mga bumati sa akin na hindi ko nalista. Yaan niyo may "Maraming salalamat" portion naman kayo mamaya :)

--------------------
Random Facts Section
--------------------
(Ang mga susunod na mababasa niyo eh mga rants at kung anik anik na nangyare na hindi ko mapasok sa mga timeline kasi mahabang oras ang sakop nila)

- (code part, pakidecipher na lang, good luck :) ) 23311 103311415 1111 101 15116114 10 141 151 15 136 1141132171 30 5 2311111 132113211471 133180 011 811 125014 11151 11 61511114 1111 4114 10914 2111 872525 110 1372111125 1334250 1518 7118 1110 1400111321231 14 1110 163180 561 110 14 1211 01125 1211 252114 111 138126 3 1471144114 14111 14 111182314 110 1125014 141111121111107 111 15116114 14 2114 11 10143125 14 141314 331361871014 110 17 136 1116131125 110 14 141314 111 11513 110 5 16611114 11 114111 51667371 LOL

- Ang demanding nung iba diyan lol! Nagpadala ba naman ng spaghetti para bukas XD

- Grabe ewan ko pero parang ang gift sa akin ni Lord eh makita lahat ng mga naging crush ko sa UP(ung mga babaeng nakakasalubong ko palagi na makatawag pansin) oo as in lahat ay!.... almost pala haha :D pero sa kasamaang palad ewan ko ba kung bakit di ko nakita ung dalawa ung isa bale hindi ko alam ung sked at ayoko ngang i-research pa ung sked niya kapagod kaya maging ninja pero ung isa ewan ko ba alam mo ung pwede mong gawin pero di mo ginawa dahil lang sa ayaw mong mabulgar ung pagiging ninja? ahh basta yun na yun actually early gift naman ung isa kasi the day before nakasabay ko sa jeep pero ung isa... hanggang pangarap na lang ata lol

--------------------
Thanksgiving Portion
--------------------

Maraming maraming salamat sa lahat ng bumati at nakaalala sa kaarawan ko
Muli, MARAMING SALAMAT!

Marami ding salamat sa nagbigay sa akin ng taunan kong suweldo :)
Meron na naman akong panggala lol

Maraming salamat din sa aking pamilya na naghanda ng isang munting salo - salo sa bahay
MARAMING MARAMING SALAMAT! :)

AT siyempre wag natin kalimutang pasalamatan ang patuloy na may awa pa rin sa isang taong tulad ko (LOL)
Ito malupit to.....
(MARAMING )^n; where n-> infinity SALAMAT JESUS :)

Hanggang sa susunod na taon :D

Tuesday, November 18, 2008

Project Torpedo

Alright alright!

Ang proyektong ito ay patungkol sa paggawa ko ng wallpaper, layout, at bagong insignia(ung para kong stamp sa mga gawa kong artworks) na plano kong matapos bago lumipas ang aking kaarawan(meaning Nov 19, 2008, 11:59pm) para... wala lang... may masabi lang ako na nagawa ko nung kaarawan ko lol

I. Insignia
a. Makagawa ng isang insignia na maaari kong ilagay sa aking mga gawang artworks para maiwasan ang posibleng pagnanakaw ng aking gawa.
b. Kailan dapat matapos: Nov 18, 2008 10:30pm
c. Estado: Tapos na(as of Nov 18, 2008 11:00pm)
d. Itsura: Free Image Hosting at www.ImageShack.us


II. Friendster Layout
a. Makagawa ng isang layout na ang tema ay ang pagiging torpe ko(ay lol aminado aketch haha). (kinalaunan eh dinagdagan ko ng rin ng pagiging tuso at onting pagsisinungaling haha)
b. Kailan dapat matapos: Nov 18 2008, 11:00pm
c. Kailan dapat ilagay sa friendster profile: Nov 19, 2008 12:00am - 1:00am
d. Estado: Tapos na(as of Nov 19, 2008 )
e. Itsura: Free Image Hosting at www.ImageShack.us
Note: May secret code dun sa torpedo :) kayo na magdecipher haha


III. Wallpaper
a. Makagawa ng isang wallpaper hango sa nagawang friendster layout.(may babaguhin lang na onti lol)
b. Kailan dapat matapos: Nov 19, 2008, 11:59pm
c. Estado: Tapos na(as of 11:30pm)
d. Itsura: Free Image Hosting at www.ImageShack.us


.................
Nov 19, 2008 12:10 am
Uhh well kaartihan ko lang yan
Kumbaga bday gift ko sa sarili ko haha!!
Although may plano din akong maggala this coming sat(magsabi na ung sasama pero di ako manlilibre haha)
Hahayz...
Oh siya sige at tutulog na ako at i-eedit ko na lang to kapag natapos ko na ung mga hindi ko pa natatapos(logo na lang lolz)
I'll be back :)
.................
Nov 20, 2008 5:20pm
Tinanggal ko na ung logo part kasi feeling ko eh wala din naman kuwenta dahil icocrop ko lang un lol
.................

Thursday, November 13, 2008

A Brief Encuounter

WEll, nangyare ito after ng class ko ng math 162
gutom na gutom na ako nun at uwing - uwi na
ikaw ba naman mababad sa mga math na magkakaiba ang fields eh ewan ko na lang kung hindi ka gutumin
kaya ayun umuwi na kami(kasama ko si Barney este Bernard lol)
habang naglalakad papuntang AS eh di ayun chit chat sessions para naman di boring
nagbalak din kaming bumili ng crackers kasi pareho kaming gutom na at kailangan pa naming umuwi para lang kumain ng lunch
Diyahe !!
Marami kaming kasabayang maglakad kasi nga kakatapos lang ng karamihan ng klase nang may dumaan sa tabi namin(bale left side ko) na babae
Uhh well marami naman talagang dumadaan na ganun nga na nakakacatch ng attention and all pero may iba doon sa dumaan
Napansin ko kasi agad ung bag na sobrang pamilyar sa akin
Nang maisip ko nga na....
"Siya yun ahh!!!"
Binalak ko na humabol para matignan nga(although lagi ko tong ginagawa pag may nakikita akong anu... ung anu.... ung makatawag - pansin haha... stalker mode ba pero mas magandang tawagin na ninja mode) kung siya nga iyon kaso bukod sa may kasama ako eh mukha atang nagmamadali para sa next class niya(which I assumed na sa AS pero pwede ring sa CAL pero sa AS ata lumiko ay ewan)
Nagdecide ako na sundan after naming bumili ng crackers tapos mega excuse ako na kesyo mainit kaya gusto ko dumaan sa loob ng AS haha!
Kaya part ways na rin kami ni Barney
Noong nasa loob ako ng AS eh di parang gumana ung Byakugan ko sa loob pero sa isip isip ko... "May GE ba sa first floor ng AS?"
Eh di ayun dumiretso na ako palabas ng AS at nakita ko si Barney(di kasi nakasakay ng jeep doon sa may FC Bleh! lol)
Pero part ways ulit kasi nakasakay na siya ng jeep at ako naman eh sasakay dun sa Balara terminal

Hahay...
Ang panget lang talaga ng timing
Pero tinanong ko sa sarili ko
"Gusto mo bang maulit ung instance na yun"
Then came the answer
"Anu ako timang? Ayaw ko na! Marami pang iba diyan oh! And besides Math first before love"
LOL !!!

PS:
Dapat kasi ang ginagawa ko ngayon eh sinisumlan ko na ung "Project: Torpedo" kaso mukhang tinatamad ako magvector kasi gabi na nga haha

Another PS:
6 days na lang mga kapatid at yayaman na naman ako haha!!