Hindi ba naapagtataka na para bang nag - iiba ang ugali ng mga tao sa tuwing sasapit ang pasko? Nagmimistula tayong mga bata na nag - aabang sa mga regalo at pagkain sa pagsapit ng hatinggabi ng bisperas ng pasko.
Halimbawa na lamang ay ang mga matatanda na para bang natutuwa sa tuwing makakakita ng mga "Christmas lights" na nakasabit sa iba't ibang bahay. Marahil ay iniisip nila kung paano nila ipinagdiriwang ang pasko nung sila ay mga bata pa. Minsan ay nadarama ko rin ito. Tulad na lamang nung ginanap ang "lantern parade" sa UP na kung saan ay hangang hanga ako sa pagkakagawa ng mga parol. Para akong bata na napapaisip kung paano nila nagawa ang mga higanteng parol na iyon.
Nagtatayuan din ang mga buhok ko sa katawan sa tuwing nakakarinig ako ng mga bata na umaawit ng mga kantang pamasko pero hindi ko pa rin sila binibigyan ng aguinaldo. :D Ang tumatakbo kasi sa utak ko noon ay kung nanguha na lamang kayo ng bote diyan sa gilid gilid eh di sana ay mayroon pa kayong maiuuwi sa inyong gma magulang. Mas maganda na kasing matuto ang mga kabataan ng kasipagan sa halip na umasa na lamang sa suwerte.
Uso din sa mga bahay bahay ang mga "Christmas tree" at iba pang mga dekorasyong pang Pasko na minsan pa'y may nakapaligid na mga regalo. Hindi rin mawawala ang mga tao na nagsusuot ng iba't ibang kasuotang pamasko.
Marahil karamihan sa atin ay nagiisip na ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan (at siyempre pagtanggap :D) at naliligtaan na ang araw na ito ay kaarawan ng ating tagapagligtas. Marami na sa atin ang hindi na nakapagsisimba sa tuwing sumasapit ang Pasko at sa halip ay namamasyal na lamang. Gayunpaman, may mga mailan - ilan na mas pinili na manood na lamang sa telebisyon ng mga misa.
Makikita natin na kahit na nagiba man ang henerasyon ay gayun pa rin ang pagdiriwang ng pasko ng Pinoy :D
Monday, December 24, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)